TAGALOG LANG

Learn Tagalog online!

CYBERBULLYING

Pambubully sa internet

Ano ang Cyberbullying?

Ang cyber bullying ay maaaring panunukso, panlalait, pang-aasar o anumang aksyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.

Tinawag itong “cyber bullying” dahil ito ay hindi angkop sa tamang pakikitungo o pambubully kumbaga sa isang tao gamit ang makabagong teknolohiya ngayon. Meron namang gumagawa ng mga pekeng accounts para maitago ang kanilang pagkakakilanlan upang magawa nila ang kanilang pambubully na walang nakakaalam kung sino sila. May iba ding gumagamit ng social networking sites para hindi lang mambully kundi gamitin din ito para sa pananakot o ang tinatawag nilang “blackmailing” para bigyan ang kanilang biktima ng takot at sobrang stress na kinalaunan ay maghahantong sa masamang mangyayari sa biktima. Kahit sino ay maaaring maging biktima ng cyberbullying kahit ano pang edad o estado sa buhay, maging ang mga artista at pulitiko ay nakakaranas ng cyberbullying.

May kasabihan na ang sobra ay hindi mabuti. “Delubyo” ang salitang tumutukoy sa matinding pagkasira na isinama ng mga mag-aaral sa cyber bullying; ang sumisira sa reputasyon ng teknolohiya na katulong sa halos lahat ng bagay. Kaya nasabi na isang delubyo dahil ang sakit o pangmatagalan ang kailangang gamutan sa nakaranas nito. Maari ring ituring na isang eipidemia ang cyber bullying dahil ang mga taong binubully ay maari na ring maging isang sanhi ng pagkalat ng delubyong nasasabi sa pagdating ng panahon at dahil dito dumarami ang mga nagawa ng cyber bullying.

Bilang isang mag-aaral, ang dapat nating gawin upang maiwasan at mapigilan ang Cyberbullying ay…

Huwag lumapit sa mga bully. Hangga’t posible, iwasan ang mga bully at ang mga sitwasyon kung saan puwede kang ma-bully.

Huwag patulan ang mga masasamang bagay na sinabi sa iyo sa internet.

Huwag gumanti sa mga taong nagsasagawa ng cyberbullying dahil lalo lang lalala ang away sa social media.

Gawing pribado ang settings ng iyong social media account. Huwag tumanggap ng mga friend requests mula sa mga taong hindi mo kilala ng personal. May mga taong nagpapanggap lamang sa mga social media sites kaya maging maingat sa pagtanggap ng mga friend requests.

Think before you post o Think before you click .

Huwag kalimutan i- log out ang iyong account.

Ang pinaka-importante ay maging bukas o magkwento sa mga taong malalapit sa atin. Makakatulong na may nakakausap at napagsasabihan ka ng iyong nararamdaman kung ikaw ay nabiktima ng cyberbullying. Palaging tatandaan na hindi ka nag-iisa at may mga taong nais tumulong sa iyo.

Hindi dapat tayo tumayo at manood lang sa pag-aapi na nangyayari sa ating paligid. Kahit hindi ikaw ang target, ang pang-aapi ay may negatibong epekto sa mundo at sa paligid mo at kailanagn itigil na ito upang maiwasan ang sakit at pagdurusa sa mga taong hindi karapat-dapat na biktitma nito. Bilang isang binatilyo, “it can be difficult to go against the grain and do what is right, especially when it involves standing up to someone who could potentially cause problems for you as well”. Gayunpaman, kapag natutunan mo kung paano makilala ang pang-aapi, kung paano ito nakakaapekto sa iyo, kahit na walang biktima, at kung ano ang maaari mong gawin upang maging bayani at itigil ang pag-uugali, mas madarama mo ang tiwala sa pagkuha ng mga tamang hakbang upang gawin ang mundo ng mas maligayang lugar para sa lahat. Dapat natin tulungan ang ating kapwa tao at ilayo natin sila ka kapahamakan dahil ang pagtulong ay mabuting gawain sa isang tao.

One thought on “CYBERBULLYING”

stylized spelling: xyberbullying

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

IMAGES

  1. Cyber Bullying Essay Tagalog

    cyber bullying essay tagalog brainly

  2. you were invited to write an article about cyber bullying awareness

    cyber bullying essay tagalog brainly

  3. what is the thesis of cyberbullying

    cyber bullying essay tagalog brainly

  4. Cyber Bullying Essay Tagalog

    cyber bullying essay tagalog brainly

  5. Gunawa ng script tungkol sa anti bullying Tagalog na may narrator at

    cyber bullying essay tagalog brainly

  6. Sample cyber bullying essay by Lauren F

    cyber bullying essay tagalog brainly

VIDEO

  1. POEM ON STAYING IN THE CYBER WORLD MEANS STAYING SAFE IN THE REAL WORLD

  2. Masamang epekto ng bullying, tinalakay ng Trio Tagapayo

  3. Alisto: Iba't ibang kaso ng bullying sa mga pampublikong paaralan, siniyasat ng 'Alisto'

  4. The Harmful Impact of Cyber Bullying ENGLISH 10

  5. Why cyber bullying is dangerous?

  6. Essay Bullying