Mga kuwento tungkol sa COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog habang nag-aalaga ng iba
“Parati akong naka-maskara sa trabaho. Tinatanggal ko lang ito kapag natutulog ako.”
Bago ang COVID-19 pandemya, parating nagtatrabaho si Lilia Antazo. Lumipat sa Estados Unidos ang 72 taong gulang Pilipinang dayuhan kasama ang kanyang asawa at pinaka batang anak noong 2001. Simula noon, nagtatrabaho siya bilang isang pribadong tagapag-alaga.
Nagluluto ng pagkain, naglilinis ng bahay at namimili siya para sa mga pasyente niya. Binibigyan niya sila ng gamot at inaalagaan niya sila na parang sarili niyang nanay, ayon kay Antazo. Pero nagbago ang lahat dahil sa coronavirus.
Kinuwento ni Antazo sa Borderless Magazine ang buhay niya sa gitna ng COVID-19 pandemya.
Read in English
Lagi akong nakamaskara sa trabaho. Tinatanggal ko lang ito tuwing natutulog ako.
Nakakabagot sa trabaho. Nakakabagot at nakakatakot. Nakakatakot dahil kapag sumasakay ako ng bus o tren papunta sa trabaho, iniisip ko, “Paano kung magkasakit ako?” Sobrang takot ako dahil may hika ako. Maingat talaga ako sa lahat.
Read More of Our Coverage
How a Femme Liberation Collective is Practicing Community Care
Ngayon, bakante ang iskedyul ko. Dati-rati, dalawa ang pasyente ko pero dahil sa COVID-19 tinatanggihan ko na ang trabaho. Marami pa rin nag-aalok ng trabaho pero umaayaw na ako. Natatakot akong bumiyahe at makihalubilo sa mga tao.
Isang pasyente lang sa North Side ang inaalagaan ko tuwing Sabado at Linggo.
WordPress Popular Posts
Trending posts.
Medyo mas bata sa akin yung pasyente ko. Matigas ang ulo niya. Kalmado lang ako. Nagumpisa akong magtrabaho doon nung Agosto pagkalabas niya ng ospital. Naglilinis ako ng kusina at banyo niya, nagbabakyum, nagpapaspas, at nagdidilig ang halaman niya.
Pagdating ko sa bahay niya, pinapainom ko siya ng gamot, naghahanda ng almusal, naghuhugas ng plato, nagpapalit ng bedding at naglilinis. Inaayos ko ang buhok niya pagkatapos niya maligo. Lalabas ako at bibili ng mga kailangan niya, katulad ng gamot at pagkain. Minsan nag-oorder kami ng pagkain at minsan nagluluto ako. Wala akong reklamo, okay siya.
Gusto ng pamilya ko tumigil ako sa pagtatrabaho. Pero kailangan maintindihan nila na hindi ko kailangan tumigil.
Kaya ko alagaan ang mga gumaling na sa coronavirus. Bakit hindi? Kaya kong protektahan ang sarili ko. Nars yung anak ko at nagkaroon siya ng COVID-19.
Ipinagluto ko siya, tinupi ang damit niya, lahat. May sarili siyang banyo at hindi namin hinawakan ang pinto niya. Nag-alala ako pero palaban siya.
Sinabi niya sa akin, “Mabuti kung alagaan ako ng pamilya ko dahil wala akong tiwala sa ibang tao.” Kaya inalagaan ko siya, at ngayon okay na siya.
Importante ngayon ang lahat ng frontline na manggagawa. Gusto ko makatulong sa mga nangangailangan.
Sa lahat ng mga tagapag-alaga, sana hindi lang kayo nagtatrabaho para sa pera. Pagbutihin ninyo ang trabaho ninyo. Pagbutihin ninyo ang trabaho ninyo at maging maalalahanin at tapat. Sana maging mapayapa na ang lahat at matapos ang pandemya.
Marami akong pamangkin na nag-alok na mag-alaga sa akin kapag tumanda ako dahil ako ang nagpa-aral sa kanila. Sa tingin ko, lima silang nagtapos at nagtatrabaho na. Nars yung isa. Yung isa, manager, at yung isa may sariling negosyo.
Tinatawag ko silang mga iskolar ko. Nasa Pilipinas sila. Kapag tumanda ako, uuwi ako sa Pilipinas. Pero sabi ng anak ko dito sa Amerika, dapat manatili ako dito at aalagaan niya ako.
Ganon din ang sinasabi ng anak ko sa Pilipinas. Yung anak kong pastor, aalagaan din daw ako. Wala akong problema kapag tumanda ako.
Tuloy pa rin ang trabaho hangga’t malakas ako. Kaya ko pa tumakbo. Kaya ko pa gumalaw. Kaya ko pa magtanim ng bulaklak sa hardin ko. Kaya ko pa gawin ang lahat. Salamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng malusog na katawan. Wala na akong hinihiling. Hindi ko hangad ang pera. Kalusugan lang.
Kinuwento ni Lilia Antazo ito kay Pat Nabong. Tumulong sa pag-uulat si Michelle Kanaar.
Bring power to immigrant voices!
Our work is made possible thanks to donations from people like you. Support high-quality reporting by making a tax-deductible donation today.
Related Stories
Related posts, recent stories, recent posts.
- Sensitive Migrant Data Mishandled, Former Chicago Shelter Contractors Allege
- Where to Find Turkey Giveaways This Thanksgiving
- Leaving Venezuela: ‘The Only Option for Us Was the United States’
- City Contractor ‘Failed’ Clients as Migrant Shelter Complaints Mounted, Staffers Say
- Chicago Parks Offer a Glimpse of Migrant Trails with ‘A Welcoming Place’
- EPA Officials, Southeast Side Residents Workshop Ideas for Former Acme Coke Plant
- The time is now
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
I am blockquote. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
© 2024 Borderless Magazine NFP. The Borderless Magazine mark is a trademark of Borderless Magazine NFP. All Rights Reserved. Powered by Think BIG Creative .
- Ways To Give
- Black Immigrants Today
- After the Bus series
- Afghans in Exile series
- Environment
- Investigation
- Arts & Culture
- Immigration Policy
- Opportunities
- The State of Immigration News in Chicago
- Ethical Guidelines
- Republishing
- As-Told-To Method
- Best Practices
- Book a Training
IMAGES
VIDEO
COMMENTS
Example of tagalog essay about covid 19 pandemic - 2791398. Ang pandemya ng Covid-19 ay hindi lamang ipinakita sa amin ng maraming mga kahinaan sa loob ng aming sistema ng pangangalaga sa kalusugan, pagtugon sa emerhensiyang kalusugan ng kalusugan, pamamahala, at mga komunidad.
Ano ang sanaysay: brainly.ph/question/652433; Experience during on COVID-19 (essay): brainly.ph/question/2719621; Opinyon tungkol sa community quarantine: brainly.ph/question/2714657; How is world without COVID-19: brainly.ph/question/2724201; How will you help the government in your country in the issue of COVID-19: brainly.ph/question/2726748
Sanaysay tungkol sa covid-19 pandemic - 18903973. "New Normal" Ang patakaran sa pananatili sa bahay, patakaran sa pagtatrabaho mula sa bahay, o iba pang mga paghihigpit sa lipunan ay inilagay upang pigilan ang malawakang pagkalat ng pagsiklab ng corona virus at upang ipatupad ang mga paghihigpit sa pagsisikip.
Ang sakit sa coronavirus 2019 [5] o coronavirus disease 2019 (COVID-19) [6] na dating kilala bilang 2019-nCoV acute respiratory disease, ay isang nakahahawang sakit dulot ng SARS-CoV-2, isang birus na may kaugnayan sa SARS-CoV. [7] [8] Naitala ang mga unang kaso nito sa Wuhan, kabisera ng lalawigan ng Hubei, sa Tsina noong Disyembre 2019, at mula noon ay kumalat sa buong mundo, na humantong sa ...
Keywords: COVID-19, UP Diliman COVID-19 Response Volunteers, community development Panimula Ang buong mundo ay hindi naging handa sa pandemya na COVID-19 simula sa pagpasok ng taong 2020. Nag-umpisa ang sakit dulot ng SARS-CoV-2 na virus sa Tsina noong Disyembre 2019 (WHO, 2020a). Habang sinusulat ang papel na ito, sa buong mundo, umabot na
pandaigdigang pagkalat ng sakit na dulot ng virus na COVID-19. Sumabad: Kung gumagamit ng wika ang isang tao na nagtataguyod ng pagtatangi ng lahi, ihinto ang usapan. Sabihin sa kanya na kailangan mong talakayin ang mga ideyang iyon bago ipagpatuloy ang pag-uusap.
Pangkalahatang impormasyon tungkol sa COVID-19 Ang Covid-19 ay karaniwang nagiging sanhi ng mild na sintomas, ngunit ang ilang tao ay maaaring magkasakit ng malubha. Totoo ito lalo na sa mga matatanda, o mga taong may sakit na. Samakatuwid, mahalaga na lahat ay tumutulong upang mapabagal ang pagkalat ng impeksyon sa populasyon.
Bago ang COVID-19 pandemya, parating nagtatrabaho si Lilia Antazo. Lumipat sa Estados Unidos ang 72 taong gulang Pilipinang dayuhan kasama ang kanyang asawa at pinaka batang anak noong 2001. Simula noon, nagtatrabaho siya bilang isang pribadong tagapag-alaga. Nagluluto ng pagkain, naglilinis ng bahay at namimili siya para sa mga pasyente niya.
Essay tungkol sa covid 19 (tagalog po) - 11353765. Answer: Ang covid19 ay isang virus na nagdadala ng sakit. Wala itong pinipiling edad kaya mag iingat tayo.
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang ...